Beautiful Distraction: naisip ko lang

Thursday, July 14, 2005

naisip ko lang


recently, a friend commented na masyado raw akong dedma na tao. di daw ako naaapektohan sa mga problema. di ko raw dinidibdib ang mga problema ko kahit gano raw kalaki. pag pinagalitan daw ako, di ko daw dinidibdib. yung friend ko kasi, konting problema lang, nababahala agad. konting sermon lang, umiiyak agad. bakit daw di ako ganun?

di nya lang alam.

this morning, tungkol sa stress and anxiety yung lecture namin. kasama dun ang different coping mechanisms. dun ko narealize na suppressive pala akong tao. people have told me about this in the past but i never took it seriously. i was either unconvinced or was just plain in denial. but today, it struck me. SUPPRESSIVE would be the perfect adjective for me. kaya pala hindi nakikita ng mga tao na problemado ako. kaya pala inaakala nilang happy-go-lucky ako. kaya palahindi pa nila ako nakikitang galit na galit o lungkot na lungkot o umiiyak. kaya pala hindi nila ako nakikitang umiiyak.

di ko alam kung kelan nagsimula ang pagkasuppressive ko. as far as i could remember, ive been like this since i was young. pag may problema ako, mas gusto kong manahimik at ayusin yun ng magisa. di kasi ako komportable kung may ibang taong nakakaalam sa problema ko. ayoko kasing makaabala ng iba. kung poproblemahin pa nila pati problema ko, e di mas dadami na problema nila. e hindi naman nila kagagawan yun, so bakit kailangan nilang magsuffer? di ba? pag nalulungkot din ako, di ko rin pinapaalam sa iba. baka kasi isipin nila na mababaw akong tao. paranoid na kung paranoid pero ganun talaga ako. hanggang ngayon. sa mata ng mga tao, manhid ako. di ako naapektohan sa mga simpleng bagay. ang di nila alam, mababaw ako. ang dali kong madepressed. di ko lang pinapakita kasi ayoko ng gulo. pag pinapagalitan naman ako, di ko to masyadong iniisip. lalo na kung hindi naman talaga totoo ang ikinagagalit nila. bat ko poproblemahin e hindi naman totoo? basta't alam kong wala akong ginawang masama, binabaliwala ko nalang minsan yang mga sermon na yan. pero kung may kasalanan talaga ako, pinagiisipan ko rin. may konsensya rin ako noh.

tata! :)

Comments:
Koby
 
Jamarcus
 
Moses
 
Milo
 
Esteban
 
Bret
 
Nathan
 
Nikolas
 
Malik
 
Javion
 
Connor
 
Victor
 
Alijah
 
Keagan
 
Glen
 
Cordell
 
Leslie
 
Jean
 
Alberto
 
Devante
 
Kareem
 
Garett
 
Kerry
 
Sergey
 
Wendell
 
Henry
 
Bobby
 
Kelton
 
Daryl
 
Eddy
 
Dean
 
Darren
 
Trystan
 
Mariano
 
Ezra
 
Declan
 
Santiago
 
Tate
 
Brennan
 
Xavier
 
Miles
 
Deonte
 
Nicholas
 
Jevon
 
Moises
 
Grady
 
Diego
 
Vaughn
 
Darrius
 
Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Comments [Atom]



Lica. 22. Nurse on semi-permanent off duty. Rainbow-obsessed. Frustrated photographer.









Get Paid Money to Blog